High-powered na mga armas, nasamsam sa bahay ng mga barangay officials sa Kalinga
Nasamsam ng mga pulis ang anim na matataas na kalibreng mga baril, isang granada at samu’t saring mga bala mula sa mga tahanan ng isang barangay captain at ng kaniyang secretary sa Tabuk City, Kalinga.
Wala sa kanilang mga bahay sina Bulanao Norte barangay captain Virgilio Gunnawa at barangay secretary Reynold Flores nang salakayin ito ng mga pulis Cordillera dala ang isang search warrant mula sa Regional Trial Court Branch 53 sa Maynila.
Si Gunnawa ay hinihinalang nagiingat ng M-6 Armalite rifle, isang M-16 baby Armalite rifle, isang cal. .45 na pistola, isang cal. 38 revolver at isang granada sa kaniyang tahanan.
Nakuha naman sa tahanan ni Flores ang isang M-16 rifle, at isang magazine para sa isang cal. 22 na handgun.
Ayon sa pulisya, sangkot ang dalawa sa mga gun-for-hire activities at sa mga sugalan sa Tabuk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.