3 Malaysian dinukot sa Sabah, dinala umano sa Tawi-tawi

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2016 - 03:26 PM

tied hands handcuffTatlong Malaysians na mangingisda ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa karagatan ng Sabah, malapit sa isang tourist resort sa Pulau Pom Pom sa Semporna.

Nasa pito ang miyembro ng grupo na kumuha sa mga biktima, at dinala umano sa bahagi ng Tawi-Tawi.

Kinumpirma ni Eastern Sabah Security Command (Esscom) commander Datuk Wan Abdul Bari Abdul Khalid na nakuha nila ang ulat mula sa mga may-ari ng fishing boat ngayong araw ng Linggo.

Naganap umano ang kidnapping dakong 10:20 ng Sabado ng gabi.

Batay pa sa salaysay, may tatlong Pilipinong mangingisda mula sa labing isang pasahero ng bangka nang sumalakay ang mga kidnapper.

Pero tatlo lamang ang kinuha, habang ang natirang crew ay bumalik sa Semporna jetty.

Nangyari ang kidnapping dalawang araw makalipas magsagawa ng intensive operations ang Esscom sa limang distrito sa east coast.

Sinabi ng Esscom na nasa high alert na ang security forces sa border, habang naglunsad na rin ang tropa ng militar ng Pilipinas na massive all-out war laban sa bandidong Abu Sayyaf group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.