Kaarawan ni Ex-Pres. Marcos, ginunita

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2016 - 02:26 PM

 

imee fedinand marcosPinangunahan ni Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos at mga anak nila ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pag-aalala sa ika-siyamnapu’t siyam na kaarawan ng former president ngayong araw, September 11.

Si Marcos ay ipinanganak noong September 11, 1917, at namatay noong September 28, 1989.

Sa Facebook, ipinost ni dating Senador Bongbong Marcos ang isang litrato kung saan kasama niya ang kanyang ama.

Sa caption, nakasulat ang ‘Never ever give up. Never lose hope,’ at may hashtag pa ito na ‘ForeverMARCOS.’

Sinabi ni BongBong na ang pagdiriwang sa birthday ng kanyang tatay ay pag-alala na rin sa mga pangarap at aspirasyon nito para sa Pilipinas.

Sa Facebook din, nagpost si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ng isang lumang litrato na may caption na ‘Happy Birthday sa Tatang ko! #Salamat Apo’

Si Governor Marcos, kasama ang ina, ay dumalo sa iba’t ibang pagtitipon sa Ilocos Norte, bilang selebrasyon sa kaarawan ng dating Pangulo.

Nag-talumpati ang first lady, kung saan sinabi nito na ang mga Ilocano ang nagbigay sa Marcoses ng lakas at pagmamahal para ipagpatuloy ang buhay.

Nagpasalamat din si Imee sa lahat ng mga Ilocano na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanyang yumaong ama.

Kontrobersyal muli ang pamilya Marcos ngayon dahil sa isyu ng pagbibigay ng hero’s burial kay Marcos.

Pero hindi pa matutuloy ang paghihimlay sana kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18 dahil dinidinig pa sa Korte Suprema ang mga petisyon laban sa hero’s burial.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.