Papasok na tropical storm sa PAR, tatawaging Bagyong Ferdie

bagyong ferdieInaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang severe tropical storm na tatawaging “Bagyong Ferdie”.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo, ay may international name na Meranti.

Sa 11:00 AM bulletin ng PAGASA, ang gitna ng bagyo ay tinatayang nasa 1,045 kilometers east ng Casiguran, Aurora.

Ito’y may lakas ng hangin na 105 kilometers per hour malapit sa gitna, at bugso hanggang 135 kilometers per hour.

Sinabi ng PAGASA na tinatayang gagalaw ang bagyo patungong west northwest sa 20 kilometers per hour.

Pero nilinaw ng weather bureau na wala pang ganap na epekto ang Bagyong Ferdie sa bansa.

Subalit may isolated na pag-ulan, dahil sa Habagat na makakaapekto naman hanggang Martes.

Inaasahang magla-landfall ito sa Batanes, habang sa Miyerkules o Huwebes ay lalabas na sa bansa ang bagyo.

Read more...