Paggamit ng Samsung Galaxy Note 7, bawal sa lahat ng flights ng Cebu Pac

cebu-pacificIpinagbabawal na ng Cebu Pacific Air ang paggamit ng Samsung Galaxy Note 7 sa lahat ng kanilang mga flight, simula ngayong araw ng Linggo (September 11).

Sa advisory ng Cebu Pacific, bunsod ng pag-recall ng units ng Samsung Galaxy Note 7 dahil sa ‘safety issues’, inaabisuhan ang lahat ng mga pasahero ng CEB at CEBGO na ang paggamit at pagcha-charge ng nasabing device ay ‘prohibited until further notice.’

Nilinaw naman ng Cebu Pacific na maaaring hand-carried ang gadget, pero sa oras na makapasok na sa eroplano at sa mismong biyahe ay dapat naka-off ang cellphone.

Umaasa ang low-cost airline sa kooperasyon ng kanilang mga pasahero, lalo’t ang kaligtasan umano ng lahat ng nasa flights ang pangunahing prayoridad.

Matatandaang inanunsyo ng Samsung na sususpendihin nila ang bentahan ng Galaxy Note 7 dahil sa mga ulat ng pagsabog ng baterya.

Nauna nang nag-anunsyo ang Etihad Airways, Singapore Airlines, Australia’s Qantas, at Virgin Australia ng pansamantalang pag-ban sa paggamit ng nabanggit na gadget sa kani-kanilang flights.

Read more...