Non-immigrant visa unit services ng U.S. Embassy-Manila, may operasyon sa Eid’l Adha
Bukas ang Non-immigrant Visa Unit ng U.S. Embassy sa Maynila sa araw ng Lunes, September 12.
Ito’y kahit pa idineklara ng Malacañang ang naturang petsa bilang isang regular non-working holiday dahil sa Eid’l Adha.
Sa advisory ng U.S. Embassy na ipinost sa Facebook, sinabi pa nito na ang lahat ng visa appointments ‘will proceed as scheduled.’
Ibig sabihin, lahat ng mga Immigrant Visa applicants na naka-iskedyul bukas ay kailangang magtungo sa embahada para sa kani-kanilang interview.
Sinabi ng U.S. Embassy na tatalima sila ng Proclamation no. 56 o paggunita sa Eid’l Adha.
Pero upang matiyak ang ‘highest level of customer service’, ang Immigrant Visa Unit ay mananatiling bukas para sa visa interviews at iba pang immigrant visa services.
Sa kabila nito, sarado naman ang U.S. Embassy’s American Citizen Services Unit at U.S. Consular Agency sa Cebu.
Pinayuhan ng U.S. Embassy ang publiko na kapag may emergency, maaaring tawagan ang Duty Office sa 301-2000 o mag-email sa [email protected].
Ang American Citizen Services Unit ay magbubukas muli para sa regular business hours sa Martes, September 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.