Pangulong Duterte, nagbigay-paalala sa publiko sa posibleng pagsabog na mangyayari sa bansa.

By Angellic Jordan September 11, 2016 - 10:31 AM

dutertePinaalalahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko ukol sa posibleng mga pagsabog na mararanasan matapos kumpirmahin ni Philippine National Police Chief Director Ronald “Bato” Dela Rosa na isang miyembro ng grupong ka-alyansa ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang nasa likod ng nangyaring Davao night market blast na ikinasawi ng labing-apat katao ikinasugat ng animnapung iba pa.

Sa ginanap na press conference sa Davao International Airport, sinabi ng pangulo na magkakaroon pa ng mga kasunod na pambobomba dulot ng pagbawi ng mga bandidong grupo.

Hindi naglabas ng karagdagang detalye si Duterte kaugnay nito dahil sa ginagawang imbestigasyon at ito aniya ay isyu ng seguridad ng bansa.

Ang kinumpirang suspek ay nasa edad trenta na may balinkinitang pangangatawan at taas na 5’7” hanggang 5’8”.

Ayon naman kay Dela Rosa, mayroong isang paniniwala ang nasabing grupo at Abu Sayyaf group na parehong ka-alyansa ng ISIS.

Sa kabila ng pagkakakilala ng kapulisan sa taong nag-iwan ng bomba sa pinangyarihan ng pagsabog, hindi nito binanggit ang pangalan ng suspek dahil sa ginagawang imbestigasyon.

Bago ang ginawang pagsabog ng suspek, sinabi ni Dela Rosa na mayroon na itong terrorism and multiple murder charges.

Samantala, sinabi ni Duterte na titignan muna nito kung dapat pa din bang ganapin ang pag-host ng Association of Southeast Asian Nations sa Davao City sa susunod na taon.

Depende aniya ito sa seguridad ng Davao at pagbabatayan ang assessment reports mula sa AFP at PNP.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.