‘Ang Babaeng Humayo’ ni Lav Diaz, nakuha ang top prize sa Venice Film Festival

By Angellic Jordan September 11, 2016 - 10:09 AM

lav diazMula sa labingsiyam na katunggali, nakuha ng Filipino film na ‘Ang Babaeng Humayo’ ni Director Lav Diaz ang Golden Lion top prize sa 73rd Venice Film Festival sa Italy.

Kasama ang walong jury, pinangunahan ni British film and stage director Sam Mendez ang pagbibigay ng parangal sa Filipino director.

Sa acceptance speech ni Diaz, sinabi nitong hindi siya makapaniwala sa natamasang parangal.

Dagdag pa ng direcktor, inaalay niya ang pelikula at parangal sa mga Pilipino at karapatang pantao.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa karakter na si Horacia, isang guro na nakulong nang tatlumpong taon dahil sa ipinapataw na krimeng hindi nito ginawa.

Ginampanan ito ni ABS CBN Chief Content Officer Charo Santos-Concio, bilang kanyang pagpapabalik sa pag-arte.

Maliban dito, nasungkit din ng nasabing pelikula ang Best Foreign Language Film sa Sorriso Diverso Venezia 2016 Awards.

 

TAGS: Ang Babaeng Humayo, Lav Diaz, Ang Babaeng Humayo, Lav Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.