Kapatid ng Maritoni Fernandez na umano’y dawit sa bentahan ng droga, natagpuang patay

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2016 - 09:41 AM

crime-scene-tapePatay ang babaeng kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez dahil sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

Kinilala ang babae na si Ma. Aurora Moynihan, na nakitang wala nang buhay sa bahagi ng Temple Drive corner Giraffe Street, Barangay Ugong Norte, sa lungsod ng Quezon.

Nagtamo umano ang babae ng multiple gunshot wounds at mayroon pang cardboard placard na ipinatong sa bangkay nito.

Ayon kay Quezon City police chief Guillermo Eleazar, si Moynihan ay suspek sa pagsu-suplay ng ecstacy at iba pang party drugs sa mga artista at iba pang taga-showbizness.

Si Moynihan, 45 years old at residente ng Ecology Village sa Makati City.

Batay aniya sa mga testigo, may isang silver na Toyota Fortuner na huminto sa crime scene dakong 1:40 ng madaling araw ng Sabado at pagkalipas ng ilang minuto ay narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa humarurot na ang sasakyan paalis.

Sinabi ni Eleazar na maaaring binaril si Moynihan sa loob ng kotse at iniwan na lamang sa crime scene. Gayunman, hindi nakita ng mga saksi ang plate number ng sasakyan.

Ayon sa mga pulis, susubukan nilang kilalanin ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV sa naturang lugar.

Bago ang krimen, nauna nang iprinisenta ng mga otoridad ang tatlong drug suspects na pinaniniwalaang nagsu-suplay din ng ecstacy at iba pang party drugs sa mga personalidad.

Kabilang dito ang sinasabing kapatid ni Lea Salonga na si Philip Salonga.

 

TAGS: Anti-drug war, Anti-drug war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.