Number coding sa NCR, suspendido sa Eid’l Adha

 

Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang suspensyon ng number coding sa lahat ng mga siyudad sa National Capital Region o NCR bukas (September 12), bilang pagbibigay-daan sa paggunita sa Eid’l Adha.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang September 12 bilang isang regular non-working holiday.

Ang Proclamation 56 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya umalis ng bansa patungong Laos para dumalo sa ASEAN summit.

Ang Eid’l Adha ay itinuturing na isa sa pinakamalaking Muslim Festival of Sacrifice, bukod pa sa Eid’l Fitr o end of Ramadan.

Read more...