Pamilya Marcos, umaasa pa rin na maililibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani

Ferdinand-Marcos-0922Umaasa pa rin ang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na maililibing ito sa Libingan ng mga Bayani kahit may protesta mula sa mga ibat-ibang human rights group.

Pinalawig pa ng Korte Suprema ang kautusan nitong pagpapatigil sa paglilibing sa dating presidente hanggang October 18 habang dinidinig pa ang mga petisyon hinggil sa legalidad na paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, na nauna ng inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na patuloy silang nagdadasal na mailibing na ng tuluyan ang kanyang ama.

Dagdag pa ni Imee Marcos na hiling ng kanyang nanay na si Congresswoman Imelda Marcos na mailibing na ang kanyang tatay kasama ang kanyang mga kapwa sundalo.

Nanatiling nasa ancestral home ng mga Marcos ang labi ng dating pangulo sa Batac mula nang bumalik sila sa Pilipinas noon pang 1993, apat na taon matapos mamatay ang dating pangulo habang naka-exile sa Hawaii.

Read more...