Gilas Pililpinas, tinalo ng India sa FIBA Asia Challenge Cup

By Rod Lagusad September 11, 2016 - 02:28 AM

en.wikipedia.org

Bigong maipanalo ng Gilas Pilipinas ang laban kontra India sa FIBA Asia Challenge Cup sa Tehran, Iran sa iskor na 83-91.

Nagtala si Mac Belo ng 21 points, limang rebounds, isang steal at isang block habang pinapanganuhan niya ang opensiba ng koponan ng Pilipinas ngunit agad na natapatan ito ng India.

Bago nito limang minute bago matapos ang laro ay nagawa ng koponan na maungusang ang India sa iskor na 75-74 sa papamigitan ni CJ Perez na kalaunan ay nahigitan din ng India.

Nagtala si Ed Daquioag ng 15 puntos para sa pinakabagong grupo ng Gilas na nasa isang buwan pa lang mula ng mabauo.

Susunod na kakaharapin ng Gilas ang koponan ng Chinese Taipei sa Linggo.

Sa FIBA Asia Challenge Cup malalaman kung sinu-sino ang makakapasok sa 2017 FIBA Asia Cup.

TAGS: 2017 FIBA Asia Cup, FIBA Asia Challenge Cup, Gilas Pilipinas, India, 2017 FIBA Asia Cup, FIBA Asia Challenge Cup, Gilas Pilipinas, India

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.