Mariel Rodriguez, nakatakdang umalis patungong USA

By Rod Lagusad September 11, 2016 - 02:23 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Nakatakdang umalis si Mariel Rodriguez patungong Delaware, USA sa darating na September 23, dalawang buwan bago ang kanyang due date.

Ayon kay Robin Padilla, napagdesisyunan ito para masiguro ang safe delivery ni Rodriguez.

Sinabi ni Padilla sa naging baby shower nila na medyo delikado ang pagbubuntis ng kanyang asawa.

Matatandaan na ibinihagi ni Rodriguez sa kanyang trimester na maselan ang kanyang pagbubuntis.

Dagdag pa ni Rodriguez na nagpapaturok siya ng Heparin dalawang beses sa isang araw para ang mga nutrients ng mga pagkaing kanyang kinakain ay diretso sa kanyang baby.

Bago nito dalawang miscarriages ang naranasan ni Rodriguez kaya tinuturing ng mag-asawa na miracle baby ang kanilang anak.

 

TAGS: Mariel Rodriguez, robin padilla, usa, Mariel Rodriguez, robin padilla, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.