Sen. Leila De Lima, nahaharap din sa electoral protest bukod sa ethics complaint
Bukod sa inihaing reklamo kay Senator Leila De Lima ng isang Abelardo de Jesus sa Senate Committee on Ethics na sisimulan ng talakayin ng mga senador sa susunod na linggo, uumpisahan na din ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang pag-asikaso sa electoral protest na ihinahin ni Dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.
Matatandaang si Tolentino ay nasa ika-13 pwesto kasunod lang ni De Lima sa nakaraang May 9 Election sa pagkasenador.
Kinumpirma ni Senate Pro Tempore Frank Drilon, miyembro ng SET na nagkita-kita na ang naturang tribunal at muling magpupulong sa October 6 sa pagtalakay ng inihaing reklamo ni Tolentino.
Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, a member of the SET, confirmed that the tribunal has met once already and would meet again on Oct. 6 to take up the complaint of Tolentino.
Ayon kay Drilon, target nilang makapagbigay ng desisyon bago matapos ang 17th Congress.
Naiproklama si De Lima na ika-12 senador na nanalo ng Commission on Elections na umupo bilang National Board of Canvassers na may kabuuang boto na 14,144,070.
Sumunod dito si Tolentino sa ika-13 pwesto na may kabuuang boto na 12,811,098 kung saan lamang si De lima ng 1,332,972 na boto.
Ang SET ay pinamumunuan bilang chair ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung saan miyembro naman sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion at mga senador na sina Drilon, Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay, Richard Gordon at Antonio Trillanes IV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.