Dating Senador Miriam Defensor-Santiago, balik ICU

By Rod Lagusad September 11, 2016 - 02:52 AM

miriam santiagoBalik muli sa Intensive Care Unit (ICU) sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig si dating Senador Miriam Defonsor-Santiago dahil sa kritikal na kondisyon nito.

Si Santiago ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit nitong Stage 4 Lung Cancer.

Ayon sa mga ulat, simula pa ng September 3 na nasa ICU si Santiago.

Matatandaan na noong May 31 ng isugod sa ICU sa Makati Medical Center si Santiago dahil sa komplikasyon.

Na-diagnose si Santiago na may cancer noong taong 2014 at kalaunan ay kanyang sinabi na nalabanan niya ang kanyang sakit.

Kasunod nito, dumanas ng anorexia si Santiago, na isa sa side effect ng kanyang gamutan.

Sa kabila nito, tumakbo si Santiago sa May 2016 presidential elections kung saan si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanyang vice-presidential candidate.

Tinalo ni dating Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte si Santiago, at nasa ika-apat na pwesto lamang.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Intensive Care Unit, Intensive Care Unit (ICU) sa St. Luke’s Medical Center-Global City, makati medical center, Miriam Defonsor Santiago, Intensive Care Unit, Intensive Care Unit (ICU) sa St. Luke’s Medical Center-Global City, makati medical center, Miriam Defonsor Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.