Mga reporma sa gobyerno dapat simulan agad ayon sa mag-asawang Tiamzon

By Chona Yu September 10, 2016 - 06:08 PM

Benito Wilma Tiamzon
Photo: Chona Yu

Nanawagan ang mga lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon sa pamahalaan na isulong ang mga reporma na ipinangako sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na hindi pa ganap na naseselyuhan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng maka-kaliwang grupo.

Partikular na tinukoy ng mag-asawang Tiamzon ang mga reporma sa ating Saligang-Batas, kasama na ang economic at political reform.

Ito ang unang pagkakataon na humarap sa media ang mag-asawa mula nang makabalik sila sa bansa mula sa Oslo, Norway.

Binigyan ang mga Tiamzon ng safe conduct pass ng gobyerno makaraan silang magsilbi bilang bahagi ng mga consultants ng NDF-CPP-NPA sa muling pagsisimula ng peace talks.

Ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon ay nahaharap sa kasong murder dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa pagpatay sa mga dating samahan sa kilusan.

 

https://www.youtube.com/watch?v=uFc2pB6LRZY

 

https://www.youtube.com/watch?v=JKPzHV80HzA

TAGS: CPP, grp, Peace Talk, tiamzon, CPP, grp, Peace Talk, tiamzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.