Vice Mayor sa Maguindanao na sabit sa droga at Davao bombing arestado

By Den Macaranas September 10, 2016 - 01:51 PM

cotabato-mapNakatakdang i-presenta sa mga mamamahayag si Talitay Maguindanao Vice Mayor Wahab Sabal makaraan siyang arestuhin ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Group sa labas ng Cotabato City Airport.

Magugunitang si Wahab kasama ang kanyang kapatid na si Mayor Montasir Sabal ay kabilang sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilan sa mga local official na sangkot sa illegal drugs.

Hanggang sa ngayon ay nananatiling tahimik ang Philippine National Police sa pagbibigay ng mga detalye kaugnay sa pag-aresto sa nasabing opisyal.

Si Sabal ay isinasangkot rin sa naganap na pambobomba sa Davao City noong Setyembre 2.

TAGS: Davao bombing, duterte, maguindanao, talitay, Davao bombing, duterte, maguindanao, talitay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.