Duterte at Widodo, nagkasundong magtulungan sa mga problema sa Pilipinas at Indonesia

By Angellic Jordan September 10, 2016 - 10:46 AM

Duterte Widodo1
RTVM

Nagkasundo sina President Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo na magtulungan sa pagsugpo ng problema sa sa Pilipinas at Indonesia partukular sa iligal na droga.

Maliban sa problema sa iligal na droga, nangako ang parehong lider na aayusin din ang problema sa terorismo at pamimirata.

Papaigtingin naman ang pwersa ng hukbong sandatahan ng Pilipinas at Indonesia kaugnay sa mga nasabing problema lalo na ang Philippine Navy kaugnay sa isyu sa Scarborough o Panatag Shoal.

Sa isang joint statement nina Duterte at Widodo sa Istana Merdeka Palace sa Indonesia, kinumpirma ni Duterte na magtutulungan ang parehong bansa kaugnay sa kampanya kontra sa iligal na droga upang gawing drug-free ang ASEAN community.

Pareho aniya sila ng pananaw ni Widodo kaugnay sa mga problema sa iligal na droga at terorismo kung kaya’t nagkasundo sila na sanib-pwersa ang parehong bansa sa pagpigil, pag-aresto at pagtugis sa mga nagdadala ng takot at gulo sa Indonesia at Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Widodo na sakto ang pagbisita ni Duterte sa indonesia dahil nakapagdala ito ng bagong pag-asa sa pagpapabuti at pagpapaigting ng kooperasyon ng parehong bansa.

Ayon kay duterte, naging makahulugan ang one-on-one meeting niya kay Widodo kung kaya’t nagpakita ng pagpapahalaga ito sa suporta ng Indonesia sa nagiging proseso sa paglutas sa mga problema ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ng pangulo, papaigtingin din ng parehong bansa ang pag-kontrol sa seguridad, human resource development, fisheries and resources expertise at shipbuilding sa sulu maging sa iba pang mga lugar na may katulad na sitwasyon ng nasabing lugar.

TAGS: Asean, duterte, Widodo, Asean, duterte, Widodo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.