Indonesians na nagpanggap na mga Pinoy sa Mecca di na kakasuhan

By Den Macaranas September 10, 2016 - 10:35 AM

Philippine passport
Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng kaso ang pitong daang Indonesian pilgrims na paparating sa Pilipinas sa katapusan ng buwang ito na gumagamit ng Philippine passport.

Ayon kay Duterte, ito ay dahil sa biktima lamang ang pitong daang Hajj pilgrims ng mga manloloko para lamang makapunta sa Mecca.

Dagdag ng pangulo, sa halip na arestuhin at kasuhan, pababalikin na lamang ang mga ito sa Indonesia at ipakakansela ang kanilang Philippine passport.

Sa halip aniya na pagdiskitahan ang mga Indonesian pilgrims, target ng pangulo na habulin ang mga nanloko sa kanila.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung paano nakakuha ng Philippine passport ang nasabing mga dayuhan.

TAGS: duterte, indonesians, passport, duterte, indonesians, passport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.