17 Vietnamese poachers nahuli sa Ilocos Sur

By Den Macaranas September 10, 2016 - 08:57 AM

Vietnamese poachers
Inquirer file photo

Labing-pitong mga Vietnamese poachers ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Navy habang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Ilocos Sur.

Sinabi ni Commander Ronnie Paba ng Philippine Navy Boat number 114 na hindi na nagawa pang tumakas ng mga suspek nang sila’y matiyempuhan ng kanilang mga tauhan.

Gumagamit umano ang mga nahuling Vietnamese poachers ng mga maliit na lambat na ipinagbabawal sa ating maritime law bukod pa sa pagpasok sa karagatang sakop ng bansa.

Kinalangan pa ang tulong ng ilang mga interpreters para makipag-ugnayan sa mga nahuling poachers.

Samantala, isinailalim na rin sa pagrekisa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga sasakyang gamit ng mga nahuling poachers dahil sa anti-drug campaigan ng pamahalaan.

Pero sa kanilang ginawang inspeksyon ay nag-negatibo naman ito sa droga.

TAGS: duterte, philippine navy, vietnamese, duterte, philippine navy, vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.