Duterte nagbanta na ipakakain niya sa mga pating ang mga pirata sa bansa

By Den Macaranas September 10, 2016 - 08:23 AM

duterte laos
Inquirer file photo

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang nakikitang masama sa pagpasok sa bansa ng mga sundalo mula sa Malaysia at Indonesia kapag sila’y may hinahabol na mga pirate.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na napag-usapan nila ni Indonesian President Joko Widodo ang pagkakaroon ng joint naval patrol sa boundary ng kani-kanilang mga bansa.

Sa mga nakalipas na buwan ay ilang mga Indonesian na crew ng ilang mga barko ang dinukot ng mga pirata na pinaninwalaang kunektado sa bandidong Abu Sayyaf Group.

Walang magawa ang mga tauhan ng Indonesian Navy kapag ang hinahabol nilang mga pirate ay nakapasok na sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa kanyang pagdating sa Davao International Airport kaninang umaga, sinabi ni Duterte na kung kinakailangan ay dapat nang pasabugin sa gitna ng dagat ang mga pirata at ipakain ang kanilang mga bangkay sa mga pating.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nauubos na rin ang kanyang pasensiya sa bandidong grupo.

TAGS: Abu Sayyaf, duterte, indonasia, Pilipinas, Widodo, Abu Sayyaf, duterte, indonasia, Pilipinas, Widodo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.