Planong IVF procedure nina Aiza Seguerra at Liza Diño, ipinagpaliban muna

From Kilab Multimedia
From Kilab Multimedia

Ibinunyag ng singer na si Aiza Seguerra na ipagpapaliban muna nila ng kaniyang asawa na si Liza Diño ang plano nilang mag-in vitro fertilization para magka-anak.

Sa Instagram post ng singer, ipinaliwanag niya ang dahilan sa nasabing pagpapaliban sa kanilang plano.

Ayon kay Aiza, bukod sa hindi sila makaalis nang matagal, medyo mahal ang magagastos para sa nasabing procedure at hindi sila handang maglabas ng malaking halaga para dito.

Una nang pinlano ng mag-asawa na lumipad patungong Amerika ngayong Nobyembre para sa IVF procedure.

Matatandaang parehong nabigyan ng posisyon sa Duterte administration ang mag-asawa, si Seguerra sa National Youth Commission at si Diño sa Film Development Council of the Philippines, kaya busy rin ang kanilang schedule.

Read more...