Isang parasitiko, ipinangalan kay Barack Obama

Obama APECIpinangalan ng mga scientists kay US President Barack Obama ang isang parasitikong nabubuhay sa dugo ng mga pagong.

Isang manipis at maliit na parasitic flatworm ang pinangalanan sa isang bagong pag-aaral ng “Baracktrema obamai.”

Ayon sa kakaretiro lang na biology professor na si Thomas Platt na nagpangalan sa parasitiko, hindi ito isang insulto sa pangulo kundi isang karangalan.

Si Platt na nakadiskubre at nagbigay ngalan sa nasabing flatworm ay nakadiskubre na rin ng mahigit 30 na bagong species.

Aniya, ang iba ay ipinangalan niya sa kaniyang biyenang lalaki, mayroon namang isinunod niya sa pangalan ng kaniyang doctorate adviser at sa iba pang mga taong kaniyang nirerespeto at tinitingala.

Kaya naman aniya, ang ginawa niyang ito ay isang simpleng paraan para mabigyang parangal niya ang pangulo.

Bukod sa flatworm na ito, naipangalan na rin kay Obama ang isang gagamba, isda at isang extinct na butiki.

Dagdag pa ni Platt, ang nasabing flatworm ay payat na mahaba at “cool as hell” kaya naalala niya dito ang pangulo.

Read more...