Lumapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo dakong alas-12:50 ng hatinggabi ng Sabado sa Davao International Airport mula sa Jakarta.
Sinalubong siya ng mga tauhan ng Tactical Operations Group 11.
May isang oras ding humarap si Pangulong Duterte sa media, para sagutin ang mga katanungan kaugnay sa kaniyang kauna-unahang foreign trip bilang pangulo ng bansa, at sa iba pang mga isyu.
Pasado alas-2:00 na ng madaling araw natapos ang kaniyang press conference.
MOST READ
LATEST STORIES