DOLE, nabigo sa target na maiuwi ang 1,000 OFWs mula sa Saudi Arabia
Napako ang pangako ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangako kay Pangulong Rodrigo Duterte na maiuwi ang may 1,000 OFWs mula sa Saudi Arabia.
Magugunita na ipinangako ng kagawaran kay ginoong Duterte na bago magsimula ang Hajj Pilgrimage sa Mecca ay makakauwi na ang 1,000 Filipino na nawalan ng trabaho sa Saudi.
Base sa datos mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na 797 Filipino lang ang nakabalik sa bansa mula sa Saudi Arabia mula Hulyo hanggang ngayon araw Biyernes September 9.
Inaasahan na 80 pa ang makakauwi sa darating na araw ng Linggo at 30 iba pa sa darating na Lunes.
Magugunita na 11,000 OFWs sa Saudi Arabia ang nawalan ng trabaho nang magpatupad ang kanilang mga kompaniya ng mass lay-offs dahil sa oil price crisis.
Naglaan naman ang pangulo ng kalahating bilyong piso mula sa kanyang contigency fund para maiuwi ang mga apektadong OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.