Conviction sa 2013 Subic drug case, pinuri ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre

By Jan Escosio September 09, 2016 - 08:31 PM

AguirreKinilala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagsusumikap ng kanilang prosecutors kaya’t nakakuha sila ng conviction sa dalawang bigtime drug traffickers sa Subic, Zambales.

Ayon kay Aguirre ang guilty verdict kina Albert Chin at Romeo Manalo ay tagumpay sa war on drugs campaign ng Administrasyong Duterte.

Hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawa at pinagmumulta din sila ng 1 milyon piso bawat isa.

Magugunita na noong August 11, 2013 nang maaresto ang dalawa at nakumpiskahan sila ng 432 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 2 bilyon piso.

Sinasabi na ang naturang operasyon ay isa sa pinakamalaking drug busts sa kasaysayan ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.