Simbahan Katoliko, kontra sa suspension ng writ of habeas corpus

By Jan Escosio September 09, 2016 - 08:28 PM

cbcp-selective-justiceNaniniwala ang Simbahang Katoliko na hindi na kailangan na suspindihin ang writ of habeas corpus sa pinaigting na kampaniya kontra droga.

Tanong ni Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, kung kailangan na isuko ang karapatan pantao para bigyang katuwiran ang nangyayaring war on drugs.

Kaya’t ang paghihimok ni Fr. Secillano sa gobyerno, resolbahin ang problema hindi lang sa mga legal na pamamaraan kundi dapat ito rin ay tama, makatarungan at ethical.

Reaksyon ito ni Fr. Secillano sa binabalak ni Senator Dick Gordon na mabigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para lubos na malabanan ang droga sa bansa.

Katuwiran ni Gordon hindi sapat ang Declaration of National Emergency para matapos ang problema sa droga.

TAGS: Droga, Simbahan Katoliko, suspension ng writ of habeas corpus, War on drugs, Droga, Simbahan Katoliko, suspension ng writ of habeas corpus, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.