Ipinagutos ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na gawin ng 24/7 ang pagsasagawa ng checkpoints at joint patrols kasama ang mga sundalo.
Ayon kay PNP PIO Director Sr Supt Dionardo Carlos bahagi ito ng paghahanda para sa declaration of a state of emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inatasan ni Dela Rosa ang kanyang field commanders na makipag-ugnayan sa kanilang military counterparts para sa pinaigting na checkpoints.
Kasabay nito ang pag-apila ng hepe ng pambansang pulisya na makipagtulungan lang at tiniyak na mapapangalagaan ang kanilang mga karapatang pantao.
READ NEXT
World leaders hindi nakaimik nang ipamukha ni Duterte ang human rights violation ng mga Amerikanong sundalo
MOST READ
LATEST STORIES