Pagmumura ni Pangulong Duterte kay President Obama hindi direkta ayon mismo sa Pangulo
Nilinaw ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi direkta ang kanyang pagmumura kay US President Barack Obama.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Shangrila Hotel sa Jakarta Indonesia, sinisi ng pangulo ang foreign media dahil sa umano’y pangti-twist sa kanyang mga pahayag bago nagtungo sa Association of Southeast Asean Nation (ASEAN) Summit sa Laos.
“American really can spin the story. They used the adjective that is really worst to hear,” ani ni Duterte.
Iginiit pa ng pangulo na kahit rebyuhin pa ang tape ng kanyang talumpati sa Davao International Airport, malinaw na hindi niya minura si Obama.
Nakadidismaya aniya dahil mali ang foreign media sa interpretasyon ng P.I. (putang ina) na son of a whore dahil ang totoong kahulugan naman aniya ng P.I. ay son of a gun o son of a bitch na isang expression lamang.
“A whore is a very terrible thing to hear. I was talking all along in that dialect.” dagdag pa ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.