Sandiganbayan ipinag-utos sa Kamara na suspindehin si CamSur Rep. L-Ray Villafuerte

By Alvin Barcelona September 09, 2016 - 04:59 PM

Luis-Raymund-Villafuerte-Jr
Inquirer File Photo

Ipinag-utos na ng Sandiganbayan sa Kamara ang pagsuspinde kay Camarines Sur Congressman Luis Raymund F. Villafuerte Jr.

Partikular na inatasan ng Graft Court si House Speaker Pantaleon Alvarez na ipatupad ng 90 day suspension laban kay Villafuerte at hiniling na magsumite rin ng compliance report.

Ang kaso ni Villafuerte ay kaugnay ng pagbili nito ng 5 milyong pisong halaga ng mga petroleum products nang hindi pinadaan sa public bidding noong ito pa ang gobernador ng Camarines Sur.

Nilinaw ng Sandiganbayan na ang suspensyon ay hindi pa kaparusahan kay Villafuerte kundi pagsunod lamang sa anti graft law.

Paliwanag ng Sandiganbayan base sa batas ang sinumang pampublikong opisyal na inaakusahan ng panloloko sa gobyerno ay dapat na suspindihin habang naghihintay ng litigasyon.

TAGS: 5M petroleum products, CamSur Congressman L-Ray Villafuerte, House Speaker Pantaleon Alvarez, Kamara, sandiganbayan, 5M petroleum products, CamSur Congressman L-Ray Villafuerte, House Speaker Pantaleon Alvarez, Kamara, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.