Babae, arestado sa bomb joke sa isang mall sa Cebu

cebu cityArestado ang isang production worker matapos ang ginawang bomb joke sa isang mall sa Cebu City.

Nakilala ang suspek na si Jasmin Sala, 37 years old at residente ng Barangay Tipolo sa Mandaue City, Cebu.

Inamin ni Sala na sinabi niya sa security guard ng mall na may laman na bomba ang kanyang dalang sling bag.

Ngunit ipinaliwanag naman agad ni Sala na isa lamang itong biro.

Sa kabila nito, wala naman nakitang bomb sa bag ni Sala maliban na lang sa lipstick, make-up at cellphone.

Dahil sa insidente, mahaharap si Sala sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o ang batas na nagbabawal sa pagpapakalat ng maling impormasyon o bomb scare.

Sakaling mapatunayang guilty, maaaring makulong si Sala ng hanggang limang taon.

 

Read more...