Lider ng sindikato ng droga at 5 iba pa, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ng Olongapo RTC
Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Olongapo Regional Trial Court (RTC) ang isang lider ng drug syndicate at 5 pang mga drug suspek na naaresto noong 2013 dahil sa shabu.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group Director, Sr. Supt. Albert Ferro, hinatulan ni Judge Raymond Viray ng Olongapo RTC ang pinuno ng drug syndicate na si Albert Chin at driver nito na nahulihan ng isang kilong shabu sa kanilang sasakyan sa Floridablanca, Pampanga, SCTEX exit.
Samantalang nahulihan naman ang 4 na iba pa ng 434 na kilo ng shabu sa isang operasyon ng PNP AIDSOTF sa Sta Monica Subic Zambales noong 2013 din.
Ayon kay Judge Viray, napatunayan ng prosekusyon na guilty beyond reasonable doubt ang 6 na akusado dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinagmumulta rin ni Viray ng tig-iisang milyong piso ang mga akusado at agad naman ipinag-utos ang pagpapalipat sa mga ito sa NBP o New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.