Nagsagawa ng kilos protesta ang Metro Manila Vendors Association sa Philcoa sa Quezon City matapos maglabas ng abiso ang Sangguniang Panglunsod na paaalisin na ang mga nagtitinda sa lugar.
Ayon kay Flor Santos, coordinator ng MMVA, pinaalis sila ng loka na pamahalaan sa kanilang mga pwesto sa Philcoa mula ngayong araw.
Igniit ng grupo na nakasaad sa Market Code ang karapatan ng mga vendor na magtayo mga panandaliang pwesto para magtinda.
Ayon pa sa mga vendor, mayroon silang permit at nagbabayad naman sila sa para sa kanilang pwesto.
Hirit ng grupo, bigyan sila ng ibang lugar kung saan nila maaring ilipat ang kanilang kabuhayan kung totoo ngang nakasasagabal sila sa daloy ng trapiko.
Halos 100 vendors ang maaapektuhan ng nasabing kautusan ng Sangguniang Panglungsod.