Unemployment rate sa bansa bumaba sa unang buwan sa pwesto ni Duterte
Bumaba sa 5.4% ang unemployment rate ng bansa sa unang buwan ng panunungkulan sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mas mababa ito ng 1.1% kumpara sa 6.5% noong July ng nakaraang taon.
Samantala, bumaba rin mula sa 21% noong July 2015 sa 17.3% na lamang ngayong July 2016 ang bilang ng mga itinuturing na underemployed.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang underemployed ay mga taong nais magkaraoon ng karagdagang oras sa kasalukuyang trabaho, o nais ng karagdagang trabaho, o ‘di kaya ay nais ng bagong trabaho na may mas mahabang working hours.
Binubuo ang populasyon ng labor force sa bansa ng mga may trabaho at walang trabaho sa edad na 15 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.