Dagdag pwersa mula AFP, itinalaga sa mga checkpoint sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2016 - 10:33 AM

Inquirer Photo
Inquirer Photo

Nagtalaga ng karagdagang 150 sundalo sa Metro Manila para tumulong sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapanatili ng katahimikan at pagtitiyak ng seguridad sa NCR.

Ang nasabing mga sundalo ay ipinakalat sa magkakahiwalay na checkpoints sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO head Chief Supt. Oscar Albayalde, ang mga pulis pa rin ang nakatoka na magsuri sa mga sasakyan na dadaan sa checkpoint upang hindi namaan magdulot ng kaba o takot sa mga motorista kapag nakita nila ang mga sundalong may bitbit na long firearms.

Nananating naka-full alert ang PNP sa buong Metro Manila matapos ang madugong Davao City bombing noong nakaraang Biyernes

Muli namang pinaalalahanan ni Albayalde ang mga pulis na pairalin ang “pain view doctrine” sa pagsasagawa ng inspeksyon.

Kailangan din aniyang maging magalang sa mga motorista.

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila checkpoint, Metro Manila checkpoint

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.