Isla sa Australia niyanig ng magnitude 6.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2016 - 09:58 AM
Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Macquarie Island sa Australia.
Wala namang napaulat na nasugatan o pinsala sa nasabing pagyanig na may lalim na 10 kilometers.
Sa nasabing isla matatagpuan ang maliit na Antarctic base at ayon sa tagapagsalita ng Australian Antarctic Division, ligtas naman ang mga nasa base at hindi sila nasaktan.
Hindi rin nagdulot ng tsunami ang malakas na pagyanig.
Ang Macquarie Island, ay may habang 34 kilometres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.