LPA na posibleng maging bagyo, papasok sa bansa sa weekend

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2016 - 07:01 AM

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Surigao del Sur.

Huling namataan ang LPA sa 175 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA pero makapagpapaulan pa rin ito sa Midnanao, Visayas, Bicol Region, MIMAROPA at sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Batangas.

Southwest Monsoon naman ang naka-aapekto sa Extreme Northern Luzon.

Samantala, sinabi ni Estareja na isa pang LPA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang posibleng maging bagyo at pumasok sa bansa.

Ang nasabing LPA ay nasa level ngayon ng Bicol region at sa weekend pa nakatakdang pumasok ng PAR.

Papangalanan itong “Ferdie” sa sandaling pumasok ng bansa.

Hindi naman ito inaasahang tatami sa kalupaan.

 

 

TAGS: LPA, LPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.