‘Gawin mo sa tamang paraan’ – Obama kay Duterte

By Kabie Aenlle September 09, 2016 - 04:46 AM

duterte-obamaHinimok ni US President Barack Obama si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang kaniyang kampanya laban sa iligal na droga sa tamang paraan.

Paliwanag ni Obama, bagaman nakakagalit ang mga krimen na nagagawa ng mga nadadawit dito, kailangan pa ring tiyakin na ginagawa ito sa tamang pamamaraan.

Ito ang isinagot ni Obama sa mga reporter nang tanungin siya tungkol sa mga napag-usapan nila ni Duterte sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos.

Dagdag pa ni Obama, kung gagawin ang kampanya laban sa iligal na droga sa maling paraan, maraming inosente ang posibleng masaktan o madamay bilang kapalit nito.

Dahil dito, maari pang maraming dumating na “unintended consequences” na hindi naman makakatulong sa pag-resolba sa problema.

Matatandaang ang naging dahilan ng pagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang pangulo ay nang magbitiw ng maaanghang na pahayag si Duterte laban kay Obama.

Gayunman, nagkaroon na rin ng sandaling pagkakataon ang dalawa para magkamayan at makapag-usap bago ang gala dinner sa ASEAN summit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.