Paalala ni De Lima maari lang suspindihin ang writ of habeas corpus kung may rebelyon at pananakop sa Pilipinas.
Aniya hindi dapat gawing literal ang sinasabing war on drugs.
Paliwanag ni De Lima kapag sinuspindi ang writ of habeas corpus maaring maaresto na lang kahit sino kahit walang warrant of arrest.
Bukod dito aniya maari din ikulong sinoman kahit gaano katagal ng walang naisasampang kaso.
Nauna nang inihayag ni gordon na ikinukunsidera niya ang paghahain ng resolusyon para bigyan ng special power si Ginoong Duterte para tuluyang puksain ang problema sa droga.
Paglilinaw din nito na lilimitahan din lang sa.mga drug suspects ang suspension of writ of habeas corpus sabay giit na ang kanyang binabalak ay malayo sa pinangangambahan na martial law o batas militar.