Mga Muslim, dumadagsa na sa Mecca bago pa man ang hajj

Muslim pilgrims circle the Kaaba, the cubic building at the Grand Mosque in the Muslim holy city of Mecca, Saudi Arabia, Tuesday, Sept. 22, 2015. In Mecca, the holy site all the world’s Muslims pray toward, the annual hajj pilgrimage began Tuesday with over 2 million faithful gathering to call out in Arabic: "Here I am, God, answering your call. Here I am." (AP Photo/Mosa'ab Elshamy)
(AP Photo/Mosa’ab Elshamy)

Tinatayang nasa 1.5 milyong mga Muslim na mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang tumungo sa Saudi Arabia para sa taunang hajj pilgrimage.

Dumagsa na ang mga pilgrims sa Grand Mosque complex sa Mecca, upang makapaglakad paikot sa Kaaba na isang black cube na hinaharap ng mga Muslim sa buong mundo sa tuwing sila ay nagdarasal.

Sa labas naman ng Grand Mosque, naroon ang mga Saudi police upang kontrolin ang pag-usad ng mga pilgrims gamit ang kulay berde na plastic barriers para na rin sa kaayusan.

Sa tuwing oras naman ng pagdarasal, pansamantalang pinapatigil muna ang pagpapalakad paikot sa Kaaba upang maiwasan ang overcrowding.

Ito ay isa sa mga security at safety measures na ipinapatupad ngayon, matapos masawi ang nasa 2,300 na pilgrims sa kasagsagan ng hajj stoning ritual noong nakaraang taon.

Ngayon naman ang kauna-unahang pagkakataon na hindi pupunta ang mga Iranians sa pilgrimage matapos mabigo ang usapin sa pagitan ng Riyadh at Tehran sa logistics at security noong Mayo.

Nasa 60,000 ang ipinadalang pilgrims ng Iran noong nakaraang taon, at sa kanila rin ang may pinakamaraming nasawi sa stampede na umabot sa 464.

Read more...