Biyahe sa EDSA, bahagyang bumilis – MMDA

City-Bus-Inq-FileKung pagbabasehan ang simulation na ginawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nabawasan ng kaunti ang oras na ginugugol sa pag-biyahe sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa MMDA, ang pag-biyahe sakay ng bus mula sa Roxas Boulevard sa Pasay City hanggang Monumento sa Caloocan City, ay tumatagal ng 1 hour and 56 minutes, hanggang 2 hours and seven minutes.

Pero ngayon, nabawasan ito ng mula dalawa hanggang 13 minuto.

Kung sasakyan naman ang gamit, kadalasan itong tumatagal ng isang oras at limang minuto hanggang isang oras at 33 minuto, pero nabawasan na ito ng 10 hanggang 27 minuto ngayon.

Isinagawa ng MMDA ang simulation sa loob ng ilang araw noong buwan ng Agusto.

Noong Hunyo naman, ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ay nagsabing nagkaroon ng pitong minutong bawas sa travel time sa EDSA, at ang pagbilis ng biyahe ay hindi umano apektado ng oras ng biyahe ng mga motorista at commuters.

Read more...