Listahan ng mga Brgy. officials na sabit sa droga ilalabas ng DILG

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Inihahanda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa susunod na buwan ang listahan ng mga Barangay officials na sangkot sa iligal droga.

Sa ika-50 taong anibersaryo ng  National Police Commission (Napolcom) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City ay sinabi ni DILG Sec. Mike Sueno na ini-ipon na nila ang lahat ng ulat tungkol sa mga Barangay leaders na iniuugnay sa drug trade at ito ay inaasahang matatapos sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni Sueno na ginawa nila ang imbestigasyon bilang paghahanda sakaling ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang mga nasabing opisyal.

Samantala, sinabi ni Sueno na natutuwa sila dahil nais din ng Kongreso na ipagpaliban muna ang Barangay at Sanguniang Kabataan (SK) elections.

Aniya, maige na ipagpaliban ang mga nasabing halalan hangga’t hindi pa nila natatanggal ang mga opisyal na pinondohan ng mga drug lords noong pinakahuling Barangay at SK polls.

Read more...