DOH magbabawas ng mga medical personnel sa susunod na taon

Public doctors
Inquirer file photo

Pagpapaliwanagin ni Sen. Ralph Recto ang Department of Health kaugnay sa pagbabawas ng mga medical personnel sa mga liblib na lugar.

Ayon kay Recto hanggang sa kalahati ng bilang ang mababawas sa mga doktor, nurse at dentista na mangangalaga sa kalusugan ng mga nakatira sa mga malalayong lugar sa bansa.

Aniya sa kabila nito hindi naman tinapyasan ang P7.1 Billion na budget para sa mga health personnel na sumusuweldo sa DOH.

Naniniwala naman si Recto na ang pagbawas sa bilang ay maaring bunsod ng pagpapatupad ng second round ng umento sa ilalim ng salary standardization law.

Giit ng Senador,  kung dahil ito sa kakulangan ng pondo maari naman humugot ng pera mula sa mga non-essential items na nakapaloob sa mahigit P3.3 Trilllion na 2017 national budget.

Read more...