Alert level 1, itinaas sa bulkang Mayon

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2016 - 12:41 PM

Mayon-Volcano-0917Itinaas ng Phivolcs ang alert level 1 sa bulkang Mayon matapos magpakita ng abnormalidad sa nakalipas na tatlong araw.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala sila ng gas emission, ground deformation at volcanic earthquake sa bulkang Mayon.

Patuloy din umano ang pagtaas ng sulfur oxide emission mula sa bunganga ng bulkan na umaabot sa 500 tonnes kada araw.

Nakapagtala din ang Mayon Volcano Observatory seismic network ng 146 na volcanic earthquakes simula August 3 hanggang 6.

Wala pa namang namamataang crater glow sa bulkan.

Pinayuhan naman ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon

 

 

 

TAGS: Mt Mayon, Mt Mayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.