Pinalitan na ang hepe ng Task Force Davao matapos ang madugong Davao City bombing noong Biyernes na ikinasawi ng 14 na katao at ikinasugat ng mahigit 60 iba pa.
Eksakto alas 10:30 ng umaga nang isagawa ang turn-over ceremony kung saan pormal na nag-assume bilang Task Force Davao head si Col. Erwin Neri kapalit ni Col. Henry Robinson.
Panauhing pandangal sa nasabing seremonya si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ang alkalde mismo ang humiling sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na maalis si Robinson sa nasabing pwesto matapos ang pagsabog noong Biyernes.
Ayon kay Sara, bagaman wala naman siyang duda sa kakayahan ni Robinson, mas nais niyang magkaroon ng bagong pinuno Task Force Davao matapos ang pambobomba.
MOST READ
LATEST STORIES