Klase sa PCCr sa Maynila, na-kansela dahil sa bomb threat

By Erwin Aguilon September 08, 2016 - 11:37 AM

PCCR Manila(UPDATE) Nakansela ang klase at trabaho sa Philippine College of Criminology (PCCr) sa Quiapo, Maynila dahil sa bomb theat.

Ayon kay Chief Insp. John Guiagui, hepe ng Plaza Miranda police community precinct, alas 9:05 ng umaga nang unang matanggap ng administration office ang tawag mula sa isang boses lalaki.

Sinabi umano ng caller ang mga salitang “Umalis na kayo riyan at may sasabog na bomba”.

Ang nasabing banta ay nasundan pa ng panibagong tawag sa telepono alas 9:20 na umaga.

Dahil sa banta, agad pinalabas ang mga estudyante, mga guro at mga staff ng paaralan.

Agad ding nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng bomb squad ng Manila Police District sa paaralan.

Matapos ang isinagawang pag-galugad sa dalawang gusali ng PCCr, idineklara namang negatibo sa bomba ang paaralan.

TAGS: Bomb threat, PCCR Manila, Bomb threat, PCCR Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.