3 patay sa banggaan ng dalawang maliit na eroplano sa Georgia

Carrollton GeorgiaNasawi ang tatlo katao matapos magbanggaan sa ere ang dalawang maliit ng eroplano sa western Georgia.

Ang dalawang eroplano na kapwa single-engine ay nagkabanggaan bago ang pagbaba nila sa runway sa West Georgia Regional Airport.

Matatagpuan ang nasabing paliparan sa Carrollton na 45 miles west ang layo sa Atlanta.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na sakay ng nagkabanggaang Diamond Aircraft DA20C1 at Beech F33A.

Inaalam pa kung bakit nagkabanggaan ang dalawang eroplano, pero ayon sa mga testigo, tila nais ng dalawang eroplano na lumapag ng sabay.

 

Read more...