Mga kubol sa loob ng Marikina City Jail, pinagbabaklas; samu’t saring kontrabando, nasabat

By Mariel Cruz September 08, 2016 - 08:46 AM

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Nagsagawa ng Oplan Greyhound sa Marikina City Jail ang magkatuwang na puwersa ng Bureau of Jail and Management Penology, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Fire Protection at SWAT teams.

Pinagbabaklas ang mga kubol na gawa sa plywood sa loob ng piitan.

Karamihan naman sa mga nakumpiskang kontrabando ay mga matutulis na bagay katulad ng ice pick, pako, gunting, kutsara’t tinidor, improvise na kutsilyo, nail cutter, lapis at pang ahit.

Mayroon din nakuhang mga CD, Christmas lights, toothbrush, electrical wire at tape, condom, at mga barya.

Bagaman walang nakuhang iligal na droga, mayroon naman nasamsam na mga drug paraphernalia ngunit kukumpirmahin pa kung ginamit na ba ito.

Bukod dito, may nakumpiska rin na mga belt na ipinagbabawal sa loob ng kulungan dahil ang belt ay maaaring gamitin para makapanakit ng kapwa preso.

Ipinagbabawal din ang kabilang sa mga nakumpiska na colored t-shirt dahil tanging yellow na damit lamang ang pwedeng isuot ng mga preso.

Ayon kay City Jail Warden Jojie Jonathan Pangan, ito ang kauna-unahang paggalugad na kanilang isinagawa simula nang maupo siya sa puwesto noong September 1.

Pero tiniyak ni Pangan na masusundan pa ito para tuluyan nang malinis ang Marikina City Jail.

Samantala, ang mga kontrando na nakumpiska naman ay itatapon na ngunit ang ilang drug paraphernalia ay ibibigay sa PDEA para maimbestigahan.

Bukod sa mga preso, ginalugad rin ang mga locker ng lahat ng jail personnel para matiyak na wala rin sa kanila ang nakapagpapasok ng anumang gamit na ipinagbabawal sa loob ng piitan.

Aabot sa mahigit pitong daan ang mga presong nakulong sa Marikina City Jail na mayroong anim na selda.

 

 

TAGS: OPlan Greyhound in Marikina City Jail, OPlan Greyhound in Marikina City Jail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.