Duterte sa ASEAN: ‘Sama-sama tayong sugpuin ang droga’
Dapat magpakita ng mas pinaigting na hangarin ang mga bansang kasapi ng ASEAN upang sugpuin ang sindikato ng droga at terorismo at iba pang uri ng cross-border crimes sa rehiyon.
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga business leaders kahapon sa ginanap na ASEAN Business and Investment Summit na bahagi ng ika-29 na ASEAN summit sa Laos.
Sa kanyang binasang mensahe, ipinaliwanag ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mas aktibong kooperasyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng organisasyon upang masugpo ang patuloy na pagkalat ng droga sa rehiyon.
Sa panig aniya ng Pilipinas, nangako si Duterte na ipagpapatuloy at dodoblehin pa ang kampanya sa pagkalap ng impormasyon, pagdakip at pagkaso sa mga sangkot sa sindikato ng droga at iba pang uri ng transnational crimes.
Palalakasin rin aniya ng Pilipinas ang promosyon ng ‘inclusive growth’ sa micro, small and medium enterprises, youth and women entrepreneurship at e-commerce upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.