Chinese, nakatakas umano sa mga kidnappers sa Laguna

By Kabie Aenlle September 08, 2016 - 04:43 AM

 

tied hands handcuffHumingi ng saklolo ang isang Chinese sa mga pulis sa Laguna matapos umano siyang makatakas sa mga dumukot sa kaniya, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon kay CALABARZON Highway Patrol Group regional director Supt. Peter Dionisio, dumating sa bansa noong June 28 bilang isang turista ang biktimang si Kun Liang Cao.

Aniya, sinabi ni Kun sa mga pulis na dinukot siya ng apat na kalalakihan na pawang mga Chinese din, na humihingi ng P14 million kapalit ng kaniyang kalayaan.

Ninakaw umano ang pera mula sa isang brokerage company kung saan dapat magtatrabaho si Kun mula nang siya ay dumating dito sa Pilipinas.

Sa ngayon ayon kay Dionisio, bineberipika pa ng mga imbestigador ang impormasyong ibinigay sa kanila ni Kun, pati na kung totoo nga ba ang sinasabi nitong brokerage company.

Ayon pa sa mga pulis, nang mabigo si Kun na ibigay sa mga kidnappers ang pera, dinukot siya ng mga ito mula sa kaniyang inuupahang tahanan sa Makati City at isinakay siya sa isang dark blue na Mercedes Benz sedan.

Tumungo ito sa direksyon ng South Luzon Expressway at nang bumagal ang takbo ng sasakyan sa Ayala Greenfield toll plaza sa Calamba City, doon na siya nakatakas at naghanap ng maaring tumulong.

Nakita naman sa isang CCTV footage na ang ginamit na sasakyan ay may taglay na Philippine National Police commemorative plate na “PNP 91.”

Ipapaubaya naman na nila si Kun sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame, Quezon City para sa imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.